Sunday, April 11, 2004

{ Poetry }

Sa May Pintuan

Kumalabog ang pinto
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga
Halos hindi ako makahinga
Ang pagkasabik sa'yo ay nag-uumapaw

Nilingon ko ang pinto
Ang mga mata ay umaasa
Ang bibig ay umuusal ng dasal
"Diyos ko, sana siya na
Ang makita sa may pintuan."

Ngunit,
Hangin at Dilim lamang pala.

*****

Nang Muli Mo Akong Nilisan

Ang lamig ay nanunuot sa aking kalamnan
Wala na akong mapagsidlan
Ng aking mga malulungkot na nakaraan
Umapaw na ang lungkot at lumbay
Umaapaw pa rin ang aking pag-ibig
Dapat ay nagawa na kitang limutin
Matagal ng panahon ang nagdaan
Ngunit ang alaala NATIN ay
Parang nagbabadyang umaga sa 'twing
Tumitibok ang aking puso
Waring ninanamnam ang kirot
Ng malalim na sugat na iyong
Inilagak sa aking puso
Nang muli mo akong nilisan.

*****

I am Angel. . . stressed out to the max!

No comments: