{Bitching about. . .}
Lyrics: Angel Sarah McLachlan
Writing and emotions. . .
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Para akong sinasakal. Hindi ako makahinga. Ang mga luha ay nangingilid sa aking mga mata. Ang dami kong gustong sabihin ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Gusto kong magalit, manakit, isumpa ang aking sarili at ang mga taong nakasakit sa akin ngunit hindi ko kaya. Sinisisi ko ang sarili at SIYA sa lahat ng nangyari. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit naging bulag ako sa mga senyales; kung bakit hindi ko pinansin ang mga sintomas ng sakit ng pag-ibig na nawala.
Mahirap lumimot kung ang mga pangyayari ay parang kahapon lamang. Mahirap talikuran ang samahang pinagtibay ng panahon at ng mga circumstances. Mahirap lunukin ang pride na kasing tayug ng lumilipad na eroplano. Mahirap aminin ang pagkatalo. Mahirap bumangon mula sa pagkakalugmok sa isa na namang pagkakabigo.
Minsan, naiisip ko siguro tama nga si N--, ang dati kong kasintahan. Madrama nga talaga akong tao. Ninanamnam ko lahat ng emosyon na makukuha ko sa isang pagkakataon. Mahilig raw ako na manatili sa nakaraan. Ngunit hindi naman talaga ako nanantili sa nakaraan, akin lamang sinisilip kung ano ang mga natutunan ko rito. Sabi ni Li'l Ms. Big Heart masyado raw akong mag-"obsess" sa mga bagay-bagay, hindi naman siguro obsession ang tawag rito. Mahilig lang talaga akong magpakita ng pagkagiliw sa mga bagay-bagay.
Ewan ko ba. Parang hindi ko na gusto ang sarili ko ngayon. Parang masyadong malaki na ang ipinagbago ko na, ako mismo ay nagugulat at kung minsan ay natatakot sa sarili ko. Gusto ko mang bumalik sa aking dating pagkatao ay hindi na maaari. Hindi ko na alam kung paano bumalik.
*****
I've been thinking these past few days of an out of the ordinary truly unexpected entry for my blog but unfortunately the Higher Beings have much greater things for me to do. So, here I am again, writing whatever it is that's on my mind right now. Maybe darkulita's right, I am an infatuation junkie.
*****
The desire to write is consuming every bit of my being. Whether I am about to sleep or I am in my own throne it haunts me. The desire to write taunts me. Flares up whenever paper and pen is out of reach. Tickles me whenever I am in my ride going to my g&w school. Comforts me when memories of the past surges in my mind and being. It would at times be a troublesome feeling but I am not complaining. I would rather have this feeling than wondering why I have trouble writing.
*****
I am Angel. . . lost in space.
No comments:
Post a Comment