ANAK NG BAYAN
Naghihingalo
Nagsusumamo
Nagmamakaawa
Ang Inang Bayan
Ikaw ang pag-asa
Ang ilaw ng kinabukasan
Ang itintanging mamamayan
Ang Anak Ng Bayan
Ngunit
Ang mga hinaing
Sa mga tengang bingi
Hindi makapasok
Pag-asa'y wala na
Kalunos-lunos na hirap
Ang dumadaloy sa katawan
"Mang-ibang Bayan!" ang sigaw
Ng Anak ng Bayan
Saturday, June 12, 2004
Poetry
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment